Konserbasyong ekolohikal at de-kalidad na pag-unlad ng Yellow River basin, ipinagdiinan ni Xi Jinping

2024-06-21 16:32:36  CMG
Share with:

Sa kanyang paglalakbay-suri sa Rehiyong Awtonomo ng Hui ng Ningxia sa hilagang kanluran ng bansa, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang konserbasyong ekolohikal at de-kalidad na pag-unlad ng Yellow River basin.

 

Aniya, dapat koordinadong pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad at mataas na antas na konserbasyon; komprehensibong palalimin ang mga gawaing gaya ng reporma at pagpapalawak ng pagbubukas, makabagong urbanisasyon at pagpapayabong ng mga nayon, pambansang pagkakaisa at komong kasaganaan at iba pa; at pabilisin ang pagtatatag ng makabagong Ningxia na may masaganang kabuhayan, pambansang pagkakaisa, magandang kapaligiran, at mayamang mga mamamayan.

 

Ipinagdiinan din niyang dapat puspusang palalimin ng Ningxia ang reporma sa mga pangunahing larangan, at hanapin ang repormang may katangiang lokal.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil