Nagtapos, Linggo, Hunyo 23, 2024 ang limang araw na Ika-30 Beijing International Book Fair (BIBF).
Itinaguyod nito ang mahigit 1,000 aktibidad pang-kultura, at mahigit 2,100 kasunduan o pahayag ng intensyon sa kalakalan ng copyright ang narating.
Bilang ika-2 pinamalakaing perya ng aklat sa buong mundo, pinalalawak ng BIBF ang internasyonalisasyon ng kulturang Tsino, at inilalatag ang tulay sa pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto ng magkakaibang sibilisasyon.
Kaugnay nito, itinayo ng mahigit 20 bansa ang kani-kanilang mga booth ng pambansang eksibisyon.
Bilang panauhing pandanagal, ibinahagai naman ng Saudi Arabia ang sinaunang kultura nito, sa pamamagitan ng makukulay na pagtatanghal.
Kasali sa Ika-30 BIBF ang 1,600 eksibitor mula sa 71 bansa’t rehiyon, at itinanghal ang nasa 220,000 mga aklat.
Salin: Vera
Pulido: Rhio