Punong Ministro ng Papua New Guinea at Hu Chunhua, nagtagpo

2024-06-28 15:53:42  CMG
Share with:

Nakipagtagpo, Hunyo 27, 2024, sa Port Moresby, kabisera ng Papua New Guinea, si James Marape, Punong Ministro ng Papua New Guinea kay Hu Chunhua, Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) ng Tsina.



Sinabi ni Hu na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Papua New Guinea, para isakatuparan ang mahalagang konsensus na narating ng mga lider ng dalawang bansa, palakasin ang diyalogo, pagpapalitan at kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at walang humpay na pasaganain ang konotasyon ng komprehensibong estratehikong partnership sa pagitan ng Tsina at Papua New Guinea para mas makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Sinabi naman ni Marape na buong tatag na kinakatigan ng Papua New Guinea ang prinsipyong isang-Tsina at nakahandang palalimin pa ang pakikipagtulungan sa Tsina sa mga larangan ng ekonomiya, kalakalan, imprastruktura, pagpapalitang tao-sa-tao at kultura, para higit pang mapasulong ang mabuting pag-unlad ng relasyong bilateral.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil