Pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, under way — Wang Yi

2024-06-29 11:21:52  CMG
Share with:

Beijing — Dumalo at bumigkas ng talumpati Hunyo 28, 2024 si Wang Yi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa luncheon bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng Five Principles of Peaceful Coexistence.


Sinabi ni Wang na ang binigkas na mahalagang talumpati ni Pangulong Xi Jinping sa komperensya bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng Five Principles of Peaceful Coexistence ay komprehensibong naglahad ng esensya at halaga ng prinsipyong ito sa kasalukuyang siglo.


May itong napakahalaga at napakalalim na katuturan para sa paglutas sa mga problema at hamon sa kasalukuyang daigdig, ani Wang.


Ipinagdiinan niya na ang pagpapatupad ng Five Principles of Peaceful Coexistence ay isang patuloy na proseso na walang katapusan, at ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan ay nananatiling under way.


Kasama ng iba’t-ibang bansa, nakahandang magsikap ang Tsina upang mapalakas ang pagkakaisa at pagtutulungan, at mapalalim ang pagsasanggunian at pag-uunawaan upang walang patid na makapagbigay ng ambag para sa paglikha ng mas magandang kinabukasan ng sangkatauhan, dagdag pa niya.


Salin: Lito

Pulido: Ramil