Xi Jinping: dapat patingkarin ang Five Principles of Peaceful Coexistence at magkasamang itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan

2024-06-28 16:53:27  CMG
Share with:

Sa pulong bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng Five Principles of Peaceful Coexistence na idinaos ngayong araw, Hunyo 28, 2024 sa Beijing, bumigkas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mahalagang talumpati.


Sa kanyang talumpati, tinukoy niya na ang Five Principles of Peaceful Coexistence ay naging landmark para sa relasyong pandaigdig at pangangasiwang pandaigdig batay sa batas, nagkaloob ng tamang pamamatnubay para sa pagtatatag at pag-unlad ng relasyon sa pagitan ng mga bansang may nagkakaibang sistemang panlipunan, nagpasulong ng pagkakaisa at kooperasyon ng mga umuunlad na bansa at nagbigay ng ambag para sa reporma at pagpapabuti ng kaayusang pandaigdig.


Aniya ang ideyang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan ay may parehong diwa ng nabanggit na prinsipyo.


Saad pa niya na ang ideyang ito ay nagsisilbing bagong modelo ng pantay at mapayapang pakikipamuhayan ng mga bansa, angkop sa agos ng panahon ng kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon at mutuwal na kapakinabangan, at angkop din sa tunguhin ng kasaysayan ng multi-polarization ng daigdig at globalisasyon ng kabuhayan.


Kaugnay ng pagpapatingkad ng Five Principles of Peaceful Coexistence at pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, iniharap ni Xi na dapat igiit ang prinsipyo ng pagkakapantay-pantay ng soberanya, patibayin ang pundasyon ng paggalang sa isa’t isa, itatag ang hangarin ng pagsasakatuparan ng kapayapaan at seguridad, at tipunin ang puwersa ng magkasamang kasaganaan, at igiit ang ideya ng katarungan at pagkakapantay-pantay.


Idiniin ni Xi na hindi babaguhin ng Tsina ang determinasyon sa mapayapang pag-unlad, pagsasagawa ng mapagkaibigang kooperasyon sa iba’t ibang bansa, at pagpapasulong ng komong pag-unlad ng buong daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil