Komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Peru, isusulong

2024-06-29 11:20:16  CMG
Share with:

Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Hunyo 28, 2024 kay Dina Ercilia Boluarte Zegarra, dumadalaw na Pangulo ng Peru, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng Tsina at Peru, natamo ng kooperasyon ng kapuwa bansa sa iba’t-ibang larangan ang kapansing-pansing bunga.


Lubos aniyang pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng relasyon sa panig Peruvian. Kasama ng panig Peruvian, nakahandang magsikap ang panig Tsino upang mapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, mapalalim ang pragmatikong kooperasyon, mapalakas ang multilateral na pagtutulungan at mapasulong pa ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng kapuwa bansa, ani Xi.


Tinukoy ni Xi na ang Peru ay isa sa mga bansang Latin-Amerikano na pinakamaagang naitatag ang relasyong diplomatiko at komprehensibo-t estratehikong partnership sa Tsina, at bansang Latin-Amerikano na pinakamaagang lumagda kasama ng Tsina sa kasunduan ng malayang kalakalan.


Ipinagdiinan ng pangulong Tsino na ang paggigiit ng paggagalangan sa isa’t-isa at pantay na pagtrato ay palagiang paraan ng Tsina sa komunidad ng daigdig. Ito rin aniya ay pundamental na sanhi ng pananatiling pag-unlad sa mataas na lebel ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Peru.


Sinabi ni Xi na kinakatigan ng panig Tsino ang pagtahak ng panig Peruvian sa landas ng pag-unlad na angkop sa sarili nitong kalagayang pang-estado. Kasama ng panig Peruvian, nakahandang buong tatag na pasulungin ng Tsina ang mapagkaibigang kooperasyon ng kapuwa bansa.


Dagdag pa ni Xi, lubos na pinahahalagahan ng pannig Tsino ang pagpapaunlad ng relasyon sa Latin-Amerika. Kasama ng Peru at iba pang mga bansang Latin-Amerikano at Caribbean, nakahandang magsikap ang Tsina para mapasulong ang komprehensibong kooperasyong Sino-Latin Amerikano at kapit-bisig na maitatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Latin-Amerika, diin niya.


Ipinahayag naman ni Boluarte na nitong ilang taong nakalipas, natamo ng pagpapalitan at pagtutulungang Peruvian-Sino sa iba’t-ibang larangan ang mabungang resulta.


Winiwelkam aniya ng Peru ang mas maraming bahay-kalakal na Tsino na mamuhunan sa Peru.


Dagdag pa niya, palaginang iginigiit ng pamahalaang Peruvian ang prinsipyong isang-Tsina.


Salin: Lito

Pulido: Ramil