Sa bisperas ng pagdalo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-24 na Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) at dalaw-pang-estado sa Kazakhstan, inilunsad Hunyo 30, 2024 sa Astana, kabisera ng bansa ang pagtatanghal ng mga programa ng China Media Group (CMG).
Sunud-sunod na isinasahimpapawid sa mga mainstream media ng Kazakhstan na gaya ng Kazakh TV channels Silk Way at Atameken Business TV channel ang mga dokumentaryo at espesyal na programang kinabibilangan ng "Encounter with Xi Jinping" at "The Call of the Silk Road."
Sa kanyang video speech, sinabi ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na unang iniharap sa Kazakhstan ni Pangulong Xi noong 2013, ang inisyatiba ng magkakasamang pagtatatag ng “Silk Road Economic Belt.”
Ani Shen, bilang primera klaseng mainstream media sa daigdig, sa mula’t mula pa’y nagpupunyagi ang CMG upang pasulungin ang pagpapalitang kultural at ugnayang tao-sa-tao ng Tsina at Kazakhstan, at ipamana at palaganapin ang diwa ng Silk Road.
Kasama ng mga media ng Kazakhstan, nakahanda aniya ang CMG na palalimin ang pragmatikong kooperasyon, at gumawa ng ambag upang isulong ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Kazakhstan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio