Pangulo ng Tsina at Kazakhstan, bumati sa pagsisimula ng taon ng turismo

2024-03-30 19:15:35  CMG
Share with:

Magkahiwalay na ipinadala, Marso 29, 2024, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazakhstan, ang mensaheng pambati sa pagsisimula ng taon ng turismo ng Kazakhstan sa Tsina.

 

Binigyan ng kapwa pangulo ng positibong pagtasa ang pagkakaibigan at pagtutulungan ng Tsina at Kazakhstan.

 

Ipinahayag din nila ang pag-asang, sa pamamagitan ng taon ng turismo, mapapalakas ang pagpapalitang tao-sa-tao ng dalawang bansa, para magbigay ng bago at masiglang lakas sa kanilang permenanteng komprehensibo’t estratehikong partnership.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos