Ipinatalastas ngayong araw, Hulyo 3, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na kinakatigan ng panig Tsino ang pagsali ng Kazakhstan sa mekanismo ng kooperasyon ng BRICS.
Sinabi ni Xi na ang Tsina at Kazakhstan ay magkatuwang sa landas tungo sa modernisasyon. Patuloy na kakatigan ng dalawang bansa ang mainam na tradisyon ng mutuwal na suporta, palalalimin ang pagtitiwalaang pulitikal at pasusulungin ang sinerhiya ng estratehikong pag-unlad.
Sinabi pa niya na idaraos sa Kazakhstan ang Taon ng Turismo ng Tsina sa taong 2025 at itinakda ng dalawang bansa ang target ng pagdodoble ng bolyum ng kanilang kalakalan.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil