'Mga Klasikong Sipi ni Xi Jinping,' sinimulang isahimpapawid sa Kazakhstan

2024-07-03 11:36:45  CMG
Share with:

Sinimulang isahimpapawid Martes, Hulyo 2, 2024 sa Kazakhstan ang multilingguwal na serye ng “Mga Klasikong Sipi ni Xi Jinping” na ginawa ng China Media Group (CMG), makaraang dumating ng Astana, kabisera ng Kazakhstan, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para sa pagdalo sa Ika-24 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) at dalaw-pang-estado.

 


Nakapokus ang nasabing palatuntunan sa mga temang kinabibilangan ng komong kasaganaan, proteksyong ekolohikal, at dibersidad ng kultura, at inilahad ang mga sinaunang panitikan at klasikong Tsino na sinipi ni Xi sa kanyang mahahalagang talumpati, artikulo at pananalita, para ipakita ang kanyang katalinuhang pulitikal at malalim na pagkaunawa sa kultura, at pundasyong kultural ng modernisasyong Tsino.

 


Inilabas sa front-page ng Kazakhstanskaya Pravda, isa sa pinaka-maimpluwensyang pahayagan ng Kazakhstan, ang patalastas hinggil sa pagsasahimpapawid ng nasabing palatuntunan sa lokalidad.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil