Pangulo ng Tsina at Rusya, nagtagpo

2024-07-03 22:33:13  CMG
Share with:

Sa bisperas ng Ika-24 na Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), nagtagpo, Hulyo 3, 2024 sa Astana, kabisera ng Kazakhstan sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.

 


Sinabi ni Xi, na ang gaganaping pulong ay pinakamahalagang agenda ng SCO sa kasalukuyang taon.

 

Sinabi nng pangulong Tsino, nan ais niyang makipagtalakayan kay Pangulong Putin at iba pang puno ng estado ng SCO hinggil sa konstruksyon ng organisasyon at kooperasyon sa iba’t-ibang larangan; pagpapasulong ng matatag at pangmatagalang pag-unlad ng organisasyon; at pagbuo sa mas malakas na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng SCO.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio