Media roundtable ng Tsina at iba pang kasapi ng SCO, ginanap sa Astana

2024-07-03 21:37:51  CMG
Share with:

Sa bisperas ng Ika-24 na Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), itinaguyod, Hulyo 3, 2024 ng China Media Group (CMG) sa Astana, kabisera ng Kazakhstan ang roundtable ng mga media ng Tsina at iba pang kasapi ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).



Sa ilalim ng temang “Pagtitipon-tipon ng Puwersa ng mga Media, Pagpapalaganap ng Diwa ng Shanghai,” isinagawa ng mga opisyal ng pamahalaan at namamahalang tauhan ng mga mainstream media ng mga kasaping bansa ng SCO ang malalimang pagpapalitan.

 

Hinangaan din nila ang natamong tagumpay ng dalawang panig sa larangan ng kooperasyong pang-media.

 

Umaasa anila silang mapapaibayo ang kooperasyon sa hinaharap, upang maisulong ang pagtatag ng mas malakas na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng SCO.

 


 Samantala,  iminungkahi ni Presidente Shen Haixiong ng CMG ang pag-enkorahe sa inobasyong pang-media, upang mas mainam na maisiwalat ang mga kuwento ng SCO sa ugnayang tao-sa-tao; isabalikat ang mga responsibilidad ng media, upang mabuo ang patas, obdiyektibo, positibo at malusog na kapaligiran ng opinyong publiko sa daigdig; at palalimin ang kooperasyon ng mga media, upang mapabuti ang pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto ng mga media ng Tsina at iba pang kasapi ng SCO.

 

Inilabas din sa pulong ang inisyatiba sa pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon ng CMG at mga media ng SCO.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio