2024 Beijing Lotus Culture Festival, binuksan

2024-07-04 14:35:54  CMG
Share with:

Binuksan, Hulyo 3, 2024 sa Palasyo ng Tag-init sa Beijing ang 2024 Beijing Lotus Culture Festival.

 

Mayroon itong 12 lugar pang-eksibisyon na kinabibilangan ng Summer Palace, National Botanical Garden (South Park), Beihai Park, at iba pa.

 

Dito ay makikita ng mga turista ang mahigit 133 ektaryang bulaklak ng lotus, at mahigit 400 uri ng halamang pantubig na gaya ng sinaunang bulaklak ng lotus, mga tradisyunal at bagong-linang na barayti ng bulaklak ng lotus, water lily at semen euryales.

 


Salin: Kulas

Pulido: Rhio