Sa ika-24 na Pulong ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idinaos Hulyo 4, 2024 sa Astana, Kazakhstan, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na bilang tugon sa kasalukuyang mga hamong pandaigdig, dapat igiit ng SCO ang tamang landas ng kasaysayan, katarungan at pagkakapantay-pantay.
Sinabi ni Xi na sa pagharap ng realistikong banta ng ideya ng cold war, dapat igiit ng SCO ang magkakasama, komprehensibo, kooperatibo at sustenableng ideya ng seguridad.
Aniya, dapat pangalagaan ng SCO ang karapatan ng pag-unlad para isakatuparan ang komong pag-unlad ng iba’t ibang bansa.
Nanawagan din siya na dapat pahigpitin ang pagkakaisa, magkakasamang labanan ang pangingialam ng mga dayuhang puwersa, at hawakan ang mga pagkakaiba sa mapayapang paraan.
Nagbigay naman ang mga kalahok na lider ng positibong pagtasa sa konstruktibong papel ng SCO para sa pangangalaga ng panrehiyong kapayapaan at seguridad.
Ipinahayag nilang ibayo pang pahihigpitin ang kooperasyon sa kalakalan, transportasyon, enerhiya, pinansiya, agrikultura, digital economy at inobasyon ng teknolohiya.
Isinapubliko rin ng SCO ang deklarasyon ng Astana at ipinasiyang manunungkulan ang Tsina bilang tagapangulong bansa ng SCO mula 2024 hanggang 2025.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil