Pagbati, inihayag ni Xi Jinping sa pagkahalal ni Antonio Costa bilang presidente ng European Council

2024-07-04 17:11:31  CMG
Share with:

Sa mensahe, Hulyo 4, 2024 kay Antonio Costa, bilang pagbati sa kanyang pagkahalal bilang presidente ng European Council, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa mula’t mula pa’y itinuturing ng Tsina ang Europa bilang mahalagang bahagi ng multi-polar estruktura.

 

Lubos aniyang pinahahalagahan ng Tsina ang mahalagang papel ng Unyong Europeo (EU) sa mga suliraning pandaigdig, at pagpupunyagi nito sa pagpapaunlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at EU.

 

Kasama ni Presidente Costa, nakahanda aniya siyang magsikap, upang pasulungin ang pagiging katuwang ng dalawang panig, palalimin ang estratehikong pag-uugnayan, pahigpitin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaang pulitikal, pagtipun-tipunin ang malawakang komong palagay, palawakin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t-ibang larangan, isakatuparan ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-EU, at gawin ang makabagong ambag sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.

 

Samantala, ipinadala rin nang araw ring iyon ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang mensaheng pambati kay Costa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio