Dushanbe — Dumalo hapon ng Hulyo 5, 2024 (lokal na oras) sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Emomali Rahmon ng Tajikistan sa inagurasyon ng gusali ng parliamento at gusali ng pamahalaan ng Tajikistan na inayudahan ng panig Tsino.
Ipinahayag ni Xi ang mainit na pagbati sa matagumpay na pagtatapos ng nasabing dalawang gusali ng Tajikistan, at ipinaabot ang kanyang mataas na paggalang at taos-pusong pasasalamat sa mga tagapagtayo ng dalawang bansa sa pagtatapos ng dalawang gusali sa nakatakdang iskedyul.
Ipinahayag naman ni Rahmon na ang dalawang gusali ay perpektong pinagsama ang istilo ng arkitektura ng Tajikistan at teknolohiya ng arkitektura ng Tsina.
Ito aniya ay isa pang patunay ng malalim na pagkakaibigan sa pagitan ng Tajikistan at Tsina.
Salin: Lito
Pulido: Ramil