Dushanbe — Sa pag-uusap hapon Hulyo 5, 2024 (lokal na oras), nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Emomali Rahmon ng Tajikistan, ipinatalastas ng dalawang lider ang pagpapaunlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa sa makabagong panahon.
Tinukoy ni Pangulong Xi na ang relasyong Sino-Tajik ay may malalim na makasaysayang pinagmulan, matatag na pundasyong pulitikal, mayamang nilalamang pangkooperasyon, at malawak na suporta ng mithiin ng mga mamamayan.
Sa ilalim ng magkasamang pagsisikap, lumalalim aniya ang pagtitiwalaang pulitikal, mabunga ang natamong resulta ng magkasamang konstruksyon ng “Belt and Road,” maalwan ang progreso ng isang serye ng mahalagang proyekto, bagay na puwersang nakakapagpasulong sa komong kaunlaran ng kapuwa bansa.
Sa bagong kalagayan, nakahanda ang panig Tsino na paunlarin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Tajikistan sa makabagong panahon, at itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng kapuwa bansa upang ibayo pang mapa-ahon ang kaunlaran ng dalawang bansa, saad ni Xi.
Ipinagdiinan pa ni Xi na ang mekanismo ng Tsina at Gitnang Asya ay kapit-bisig na gawa ng anim na bansa. Kasama ng panig Tajik at iba’t-ibang kinauukulang panig, nakahandang palakasin ng panig Tsino ang mekanismong ito upang mapasulong ang pagtamo ng mekanismo ng mas maraming aktuwal na bunga.
Ipinahayag naman ni Rahmon na nitong ilang taong nakalipas, nananatililing mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Tajik-Sino, natamo ang positibong bunga kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, at napapanatili ang pagkokoordinahan at pagtutulungan sa mataas na lebel sa mga multilateral na mekanismo.
Buong tatag aniyang iginigiit ng Tajikistan ang prinsipyong isang-Tsina, tinututulan ang “pagsasarili ng Taiwan” sa anumang porma, at buong tatag na kinakatigan ang nagagawang pagsisikap ng panig Tsino sa pangangalaga sa soberanya at kabuuan ng teritoryo, at pagsasakatuparan ng unipikasyon ng bansa.
Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang lumagda ang dalawang lider sa “Magkasanib na Pahayag ng Tsina at Tajikistan Tungkol sa Pagpapaunlad ng Komprehensibo’t Estratehikong Partnership sa Makabagong Panahon.”
Magkasanib din nilang sinaksihan ang pagpapalitan ng 10 dokumentong pangkooperasyon ng kapuwa bansa sa mga larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan, konektibidad, masusing mina, seguridad, at kultura.
Salin: Lito
Pulido: Ramil