Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi Jinping sa porum ng berdeng pag-unlad ng SCO

2024-07-08 15:06:33  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe ngayong araw, Hulyo 8, 2024 sa porum ng berdeng pag-unlad ng mga bansang kasapi ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pangangalaga sa kapaligiran at pagpapasulong ng berdeng pag-unlad ay komong palagay ng SCO.

 

Sa pamamagitan ng porum na ito, umaasa aniya siyang mapapalakas ang pagpapalitan at kooperasyon sa larangan ng berdeng pag-unlad para tulungan ang sustenableng pag-unlad ng SCO.

 

Ang porum ay binuksan sa lunsod Qingdao ng lalawigang Shandong.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio