Mga sunflower sa Olympic Forest Park, mayabong na namumukadkad

2024-07-09 14:50:15  CMG
Share with:

Ang Tag-init ay pinakamainam na panahon para pagmasdan ang mga bulaklak ng mirasol o sunflower.

 

Kamakalian, mayabong na namumukadkad ang mga mirasol sa scenic spot na “Rustic Charm in Flower Land” sa loob ng Olympic Forest Park (North Park) sa Chaoyang District, Beijing.

 

Makikita rito ang malawak na ginintuang “flower sea” na binubuo ng mahigit 20 iba’t ibang uri ng mirasol.

 

Ang kahanga-hangang tanawing ito ay umakit sa maraming turista na pumaparito para kumuha ng mga litrato.

 


Salin: Kulas

Pulido: Ramil