Pagbibisikleta sa loob ng taniman ng tsaa, ikinatutuwa ng mga mamamayan sa Jiangxi

2024-07-10 16:35:00  CMG
Share with:

Para sa mga tagahanga ng pagbibisikleta sa bayang Jinxi, lunsod Fuzhou, lalawigang Jiangxi, gawing timog-silangan ng Tsina, isang popular na destinasyon dito ay ang Zhouzhuang Tea Garden, dahil ikinatutuwa nila ang magandang tanawin dito habang nagbibisikleta sa bikeway na itinayo sa pagitan ng mga puno ng tsaa.

 

Ang industriya ng tsaa ay isa sa mga tradisyunal at pangunahing industriya sa bayang Jinxi.

 

Sa nakalipas na mga taon, pinapabuti ng bayang ito ang mga imprastruktura sa mga malalaking taniman ng tsaa, gaya ng mga panturistang walkway, bikeway, at viewing platform, para pasulungin ang magkakasamang pag-unlad ng industriya ng tsaa, turismo at pampalakasan, pati na rin ang kalugusan.

 



Salin: Kulas

Pulido: Ramil