Premyer Tsino, nagdaos ng simposyum sa ekonomikong situwasyon

2024-07-10 17:09:45  CMG
Share with:

Nagdaos Hulyo 9, 2024, si Premyer Li Qiang ng Tsina ng isang simposyum hinggil sa ekonomiyang situwasyon para pakinggan ang kuru-kuro at mungkahi ng mga dalubhasa at negosyante sa ekonomiya ng bansa at kinauukulang gawain.

 

Nagdaos Hulyo 9, 2024, si Premyer Li Qiang ng Tsina ng isang simposyum hinggil sa ekonomiyang situwasyon para pakinggan ang kuru-kuro at mungkahi ng mga dalubhasa at negosyante sa ekonomiya ng bansa at kinauukulang gawain(photo from Xinhua)



Sinabi ni Li na sa simula ng taong ito, isinusulong ng Tsina ang de-kalidad na pag-unlad, pinapalakas ang mga pagsisikap ng makro-kontrol at pinapabuti ang new quality productive forces, at ang ekonomiya ng bansa ay nasa matatag na operasyon.

 

Binigyan-diin niya na dapat buong tatag na magsikap para harapin ang mga problema sa ekonomikong operasyon, implementasyon ng mga patakrang makro, at ituloy ang pag-unlad dala ng inobasyon.

 

Ipinanawagan din ng premyer ang mga pagsisikap para baguhin ang mga di-makatuwirang sistema at mekanismo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil