Isinapubliko ngayong araw, Hulyo 11, 2024 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Pamahalaang Sentral ng Tsina ang White Paper hinggil sa pangangalaga sa ekolohikal na kapaligiran ng dagat.
Tinukoy nito, na matatag na pinasusulong at aktibong isinasagawa ng Tsina ang mga aksyon ng pangangalaga sa kapaligiran ng dagat.
Sa pamamagitan ng pagsisikap ng Tsina, bumubuti sa kabuuan ang kalidad ng ekolohikal na kapaligiran ng dagat, maayos na ginagamit at ginagalugad ang yamang-dagat at nakukumpleto ang sistema ng pangangalaga sa ekolohikal na kapaligiran ng dagat, dagdag ng dokumento.
Anito pa, aktibong pinasusulong ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon sa pangangalaga sa ekolohikal na kapaligiran ng dagat at aktuwal na isinasakatuparan ang responsibilidad at obligasyon na itinakda ng mga kasunduang pandaigdig.
Full Text: Marine Eco-Environmental Protection in China
https://english.news.cn/20240711/48b534a4b19049bb9f8a70a94dad9067/c.html
Salin: Ernest
Pulido: Rhio