Bolyum ng inihatid na paninda ng daambakal ng Tsina noong Hunyo, nakalikha ng bagong rekord

2024-07-15 16:10:25  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas Hulyo 14, 2024, ng China State Railway Group Co., Ltd., umabot sa 332 milyong tonelada ang panindang inihatid nito noong Hunyo ng taong ito, samantalang nasa 266.5 bilyong tonelada-kilometro naman ang freight turnover ng kargamento.

 


Ang nasabing mga datos ay magkahiwalay na lumaki ng 6.1% at 5.3% kumpara sa gayundin panahon ng tinalikdang taon.

 

Ito ay bagong rekord sa kasaysayan, anito pa.

 

Sa kasalukuyan, nasa unang puwesto sa buong daigdig ang bolyum ng paghahatid ng paninda at paglilipat ng kargamento ng daambakal ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio