Buong tanawin ng Changbai Mountain Tianchi, tanaw sa magandang panahon

2024-07-19 16:05:11  CMG
Share with:

Maaraw ang panahon ngayong araw Hulyo 19, 2024 sa Yanbian Korean Autonomous Prefecture, probinsyang Jilin, gawing hilagang-silangan ng Tsina.

 

Dahil sa magandang panahon, tanaw sa Bundok Changbai ang buong kagilas-gilas na tanawin ng Tianchi, na literal na nangangahulugang Lawang Malaparaiso, o Heavenly Lake sa wikang Ingles.

 

Isang volcanic crater lake ang Changbai Mountain Tianchi at ito ay pinakamalalim at pinakamataas na lawa sa Tsina, at pinakamataas na lawang bolkaniko sa mundo.

 


Salin: Kulas

Pulido: Ramil