Pagliligtas makaraang gumuho ang tulay sa hilagang kanluran ng Tsina, ipinanawagan ni Xi Jinping

2024-07-21 18:55:26  CMG
Share with:

 

Makaraang gumuho, Hulyo 19, 2024, ang isang tulay sa Zhashui County, lunsod Shangluo, lalawigang Shaanxi, hilagang kanluran ng Tsina, nanawagan si Pangulong Xi Jinping sa lahat ng may-kaugnayang sangay ng pamahalaan upang buong sikap na iligtas ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan.

 

Dahil sa tuluy-tuloy at malakas na ulan nitong ilang araw na nakalipas, umapaw ang tubig sa nasabing ilog na naging sanhi ng pagguho at pagkahulog ng ilang sasakyan.

 

Hanggang Hulyo 20 ng gabi, 11 katao na ang naitalang nasawi, samantalang mahigit 30 iba pa ang nawawala.

 

Hiniling naman ni Premyer Li Qiang na masikap na hanapin at iligtas ang mga nawawala, linawin sa lalong madaling panahon ang sanhi ng pangyayari at komprehensibong isagawa ang mga hakbangin para iwasan ang muling pagkaganap nito.

 

Pinamumunuan naman ni Pangalawang Premyer Zhang Guoqing ang working group sa lugar na pinangyarihan para patnubayan ang gawain ng pagliligtas.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan