Ini-ulat, Hunyo 22, 2024, ng Ministri ng Pangangasiwa ng Emerhensya ng Tsina, na ipinadala na sa mga lugar na apektado ng baha ang mga grupo ng pagliligtas at gamit-panaklolo ng Pambansang Pamunuan Laban sa Baha at Tagtuyot.
Ilan sa nasabing mga lugar ay Hunan sa gitna, Anhui sa silangan, at Guangxi sa timog kanluran ng bansa.
Hiniling din ng ministri, na pag-ibayuhin ang pagsisikap para agarang makumpuni ang mga kalsadang nasira sa baha, at ligtas na ilikas ang mga tao mula sa mga binahang lugar.
Nitong nakalipas na ilang linggo, binaha ang maraming bahagi ng Tsina.
Bukod sa nabanggit na tatlong lugar, apektado rin ang Guangdong, Zhejiang, Fujian, Jiangxi, at Guizhou, kung saan nagkaroon ng pagkawala ng buhay, at nasira ang mga kalsada at gusali.
Nauna rito, 105 milyong yuan RMB ang inilaan ng pamahalaan bilang tulong sa mga apektadong lugar.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan