Rusya, pinagbawalan ang 13 Hapones na pumasok

2024-07-24 17:00:10  CMG
Share with:

Inanunsyo Hulyo 23, 2024, ng Minisitring Panlabas ng Rusya, bilang bahagi ng kanilang tugon sa patuloy na sanksyon ng Hapon laban sa Rusya dahil sa kanilang espesyal na operasyong military, nagpasya ang Rusya na pagbawalan ang 13 Hapones na makapasok sa Rusya nang walang katapusan.

 

Sa parehong araw, sinabi ni Maria Zakharova, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya na ang mga sanksyon na ipinataw ng Hapon sa Rusya upang matugunan ang Amerika ay masasaktan ang sarili nito, at maliit na posibilidad na makabalik sa merkadong Ruso ang mga kompanya ng sasakyang de motor ng Hapon.

 

Salin: Ma Meiyuena

 

Pulido: Ramil