Rusya, handang makipag-usap sa Kanluran tungkol sa seguridad ng Europa – Sergey Lavrov

2024-07-18 15:46:13  CMG
Share with:


Sa isang preskon, Hulyo 17, 2024 sa punong-tanggapan ng United Nations (UN), sinabi ng Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya, na handang makipag-usap ang kanyang bansa sa Kanluran tungkol sa isyu ng Ukraine at usaping panseguridad ng Europa.


Ngunit ang pagresolba sa tunggalian ng Rusya at Ukraine ay dapat aniyang  nakabatay sa mga aktwal na sitwasyon, at kailangang itigil ng Kanluran ang pagbibigay ng mga armas sa Ukraine.


Muling binigyang-diin ni Lavrov na handa ang Rusya na makipag-usap sa sinumang lider ng pamahalaan ng Amerika batay sa mutuwal na paggagalangan.

Sa kabila ng matinding sangsyon laban sa Rusya, dapat magkaroon ng bilateral na diyalogo, aniya.