Chinese Foreign Minister Wang Yi (C, front row), also a member of the Political Bureau of the CPC Central Committee, poses for photo with representatives of Palestinian factions in Beijing, China, July 23, 2024. /Chinese Foreign Ministry
Sa paanyaya ng Tsina, idinaos mula Hulyo 21 hanggang 23, 2024 sa Beijing, ng mga mataas na kinatawan ng 14 na paksyon ng Palestina ang diyalogo ng rekonsilyasyon, at nilagdaan ang Beijing Declaration tungkol sa ending division and strengthening Palestinian National Unity.
Kaugnay nito, ipinahayag Hulyo 23, 2024, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pinakamahalagang konsensus ng diyalogong ito ay naisakatuparan ang rekonsilyasyon ng 14 na paksyon, ang pinakapangunahing tagumpay ay linawin na ang Palestine Liberation Organization (PLO) ay ang tanging lehitimong kinatawan ng mga mamamayan ng Palestina, ang pinakaprominenteng tampok ay umabot sa kasunduan hinggil sa pamamahala ng Gaza pagkatapos ng sagupaan, at pagbuo ng pansamantalang pambansang pamahalaan, at ang pinakamalakas na tawag ay makamit ang tunay na kalayaan ng Palestina alinsunod sa kinauukulang resolusyon ng United Nations (UN).
Dagdag pa rito, sinabi rin ni Mao na iminungkahi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang “tatlong hakbang” sa kanyang talumpati.
Una, pasulungin ang komprehensibo, pangmatagalan at sustenableng tigil-tupukan sa Gaza Strip sa lalong madaling panahon at tiyakin ang maayos na pagpapasok ng makataong tulong.
Ikalawa, batay sa prinsipyo ng the “Palestinians governing Palestine,” magkakasamang magtulungan para kapit-bisig na pangasiwaan ang Gaza pagkatapos ng digmaan.
Ikatlo, pasulungin ang Palestina na maging pormal na miyembro ng UN at simulan ang pagsasakatuparan ng “two-state solution.”
Salin:Sarah
Pulido:Ramil