CMG Komentaryo: Rekonsilyasyon sa loob ng Palestina, bakit narating sa Beijing muli?

2024-07-24 15:42:24  CMG
Share with:

Makaraan ng tatlong araw na diyalogo ng rekonsilyasyon sa loob ng Palestina, magkakasamang nilagdaan, Hulyo 23, 2024 sa Beijing ng 14 na paksyong Palestino ang Beijing Declaration sa pagbibigay-wakas sa dibisyon at pagpapalakas ng pambansang pagkakaisa ng Palestina.

 

Nilinaw ng deklarasyon na ang Palestine Liberation Organization (PLO) ay siyang tanging lehitimong kinatawan ng mga mamamayang Palestino, at nagkaisa rin ng palagay sa pangangasiwa sa Gaza pagkatapos ng sagupaan at pagbuo ng pansamantalang pamahalaan ng pambansang rekonsilyasyon.

 

Ito ang mahalagang hakbang tungo sa pagsasakatuparan ng kapayapaan ng Gitnang Silangan.

 

Bakit narating ng iba’t ibang paksyon ng Palestina ang rekonsilyasyon sa Beijing?

 

Dahil sa isyu ng Palestina, hindi kailanman’y may pribadong kapakanan ang panig Tsino, at sa mula’t mula pa’y pumapanig sa kapayapaan at budhi ng sangkatauhan.

 

Sa katunayan, makabuluhan ang dalawang rekonsilyasyon ng rehiyon ng Gitnang Silangan: pagpapanumbalik ng Saudi Arabia at Iran ng relasyong diplomatiko sa Beijing noong nagdaang taon, at pagkalagda ng iba’t ibang paksyon ng Palestina sa Beijing Declaration.

 

Kapuwa napatunayan ng mga rekonsilyasyon na laging taos-pusong binibigyang-tulong ng Tsina ang kapayapaan at kaunlaran ng Gitnang Silangan, at nananatiling matapat at mapagtitiwalaang kaibigan ng mga bansang Arabe.

 


Bukod pa riyan, nasira ng pagkalagda ng Beijing Declaration ang tangka ng iilang bansang kanluranin sa isyu ng Palestina at Israel.

 

Nitong nakalipas na ilang taon, lalong lalo na, sapul nang sumiklab ang kasalukuyang round ng sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel, walang humpay na pinabulaanan ng ilang bansang kanluranin ang two-state solution, at ang isa sa mga pangunahing katuwiran nila ay napakalinaw ng kontradiksyon ng iba’t ibang paksyon ng Palestina, at hindi umiiral ang nagkakaisang kampo.

 

Malinaw na senyales ang ipinadala ng pagkalagda ng Beijing Declaration sa komunidad ng daigdig: umaasa ang mga mamamayang Palestino na matatapos ang sagupaang panloob, at itatayo ang nagkakaisa’t independyenteng estado.

 

Napagtanto rin ng iba’t ibang paksyong Palestino na kung kapit-bisig na aabante, saka lamang magtatagumpay ang usapin ng pambansang liberasyon.

 

Syempre, di-maaaring resolbahin kaagad ang kontradiksyon ng iba’t ibang paksyon ng Palestina, at posibleng maharap sa ilang hamon ang pagpapatupad nila ng Beijing Declaration sa hinaharap.

 

Patuloy na magpupunyagi ang Tsina para sa kapayapaan, katarungan, at pagpapasulong sa prosesong pangkapayapaan ng Palestina at Israel.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil