Mga siyentipikong Tsino, nakatuklas ng molecular water sa lunar soil sa unang pagkakataon

2024-07-24 16:05:24  CMG
Share with:


Nalaman, Hulyo 23, 2024 ng mga mamamahayag mula sa Institute of Physics ng Chinese Academy of Sciences, na natuklasan ng isang Chinese scientific research team ang isang hindi kilalang uri ng mineral crystal na tinatawag na ULM-1 na mayaman sa molecular water at amonyo mula sa misyon ng Chang'e-5.

 

Ito ang unang pagkakataon na nakahanap ang mga siyentipiko ng molecular water sa lunar soil at ang mga naiuugnay na pag-aaral dito ay inilathala kamakailan online sa internasyonal na akademikong journal na “Nature Astronomy.”

 

Salin: Zheng Zihang

 

Pulido: Ramil