Chang'e-6 probe ng Tsina, lumapag sa far side ng Buwan: sample kokolektahin

2024-06-02 14:51:49  CMG
Share with:

 

Ayon sa China National Space Administration (CNSA), matagumpay na lumapag, 6:23 ng umaga, Beijing Time, Hunyo 2, 2024, ang kombinasyon ng lander-ascender ng Chang'e-6 lunar probe ng Tsina sa nakatakdang lugar sa South Pole-Aitken (SPA) Basin, sa far side ng Buwan.

 

Halos 900 segundo ang itinagal ng buong proseso ng paglapag, at inilabas ng CNSA ang isang video tungkol dito.

 

Samantala, kokoletahin ng Chang'e-6 ang mga sample mula sa Buwan loob ng darating na dalawang araw, sa pamamagitan ng dalawang paraan – pagbubutas sa mukha ng Buwan at pagkolekta ng sample, at pagkalap ng sample sa ibabaw gamit ang robotic arm.

 

Matapos ang nasabing mga proseso, dadalhin ang mga nakolektang materyales sa kombinasyon ng orbiter-returner ng Chang'e-6, para i-uwi pabalik sa Mundo.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan