Idinaos, Hulyo 24, 2024, sa lunsod Linyi, lalawigang Shandong, gawing hilagang Tsina, ang pandaigdigang simposyum hinggil sa pag-unlad ng mga industriya sa ilalim ng kooperasyon ng “Belt and Road.”
Lumahok dito ang matataas na diplomata sa Tsina ng 14 bansa na kinabibilangan ng Malaysia, Pakistan, Serbiya, mga organo ng United Nations sa Tsina, mga transnasyonal na kompanya, at mga kompayang Tsino na may pamumuhunan sa ibang bansa.
Ayon sa mga kalahok, ang bunga ng industriyal na kooperasyon ng “Belt and Road” ay malaking nagpasulong sa ekonomiya sa mga katuwang bansa sa inisyatibang ito, lumikha ng maraming trabaho, at nagpabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Nagbigay din ito anila ng mahalagang ambag sa pandaigdigang pagbabawas ng pagbuga ng carbon dioxide, at pagsusulong ng berdeng pag-unlad.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio