Ipinahayag Hulyo 18, 2024, ni Lin Jian, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) na sapul nang iharap noong 2013 ni Pangulong Xi Jinping ang Belt and Road Initiative (BRI), nakikipagtulungan ang Tsina sa iba’t ibang panig, para ang inisyatibang ito ay maging popular na internasyonal na pampublikong produkto at platapormang pangkooperasyon.
Nakahanda aniya ang Tsina na isulong ang BRI tungo sa mas mataas na kalidad at mas mataas na antas ng pag-unlad.
Sinabi rin ni Lin, na noong 2023, umabot sa 19.5 trilyong yuan RMB ang halaga ng kalakalan ng mga paninda sa pagitan ng Tsina at mga katuwang na bansa sa BRI, na tumaas ng 2.8% kumpara sa halaga ng tinalikdang taon, at ito ay katumbas ng 46.6% ng kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina.
Bersyong Ingles ng aklat ng mga diskurso ni Xi Jinping hinggil sa BRI, inilathala
Dekalidad na pag-unlad ng magkakasamang pagtatatag ng BRI, inaasahan ng Tsina
Ulat hinggil sa kooperasyon ng Belt and Road sa anggulo ng karapatang pantao, inilabas
Bisyon at Aksyon Para sa Dekalidad na Kooperasyon ng Belt and Road, inilabas ng Tsina