PM ng Laos at FM ng Tsina, nagtagpo

2024-07-26 18:23:50  CMG
Share with:

Nakipagtagpo Hulyo 25, 2024, sa Vientiane, Laos, si Sonexay Siphandone, Punong Ministro ng Laos, kay Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina.

 


Binati ni Siphandone ang matagumpay na pagdaraos ng ika-3 Sesyong Plenaryo ng ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Umaasa aniya ang Laos na matututo mula sa matagumpay na karanasan ng Tsina at palalakasin ang kakayahan nitong umunlad ng independente.

 

Sinabi ni Siphandone na minamarkahan ng taong ito ang ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Laos. Nakahanda aniya ang Laos na ipatupad ang mahalagang napagkasunduan na naabot ng mga pinuno ng dalawang bansa bilang pangunahing linya, palakasin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkoordina sa Tsina, at palawakin ang praktikal na kooperasyon sa lahat ng aspekto.

 

Pinasalamatan din niya ang suporta ng Tsina sa panunungkulan ng Laos bilang tagapangulong bansa ng ASEAN.

 

Komprehensibong ipinaliwanag naman ni Wang ang kahalagahan ng milyahe at mahalagang hakbangin ng ika-3 Sesyong Plenaryo ng ika-20 Komite Sentral ng CPC, na nagsasabing pinanguluhan ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ang buong partido na masusing suriin ang matagumpay na praktika at magagandang bunga sa bagong panahon, at gumagawa ng desisyon sa ibayo pang komprehensibong pagpapalalim ng reporma at pagpapasulong ng modernisasyong Tsino.

  

Nakahanda aniya ang Tsina na palakasin, kasama ng Laos, ang pagpapalitan ng karanasan ng pamamahala sa bansa para magkasamang pasulungin ang nagsasariling proseso ng modernisasyon.

 

Bukod dito, nag-usap Hulyo 25, 2024, sina Wang Yi at Saleumxay Kommasith, Deputy Prime Minister at Ministrong Panlabas ng Laos.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil