Nagtagpo kahapon, Hulyo 25, 2024 sa Vientiane, Laos sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya, at Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas Saleumxay Kommasith ng Laos.
Ipinahayag ni Wang na sa kasalukuyan, masalimuot ang kalagayang pandaigdig, pero ang kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon at win-win ay komong hangarin ng komunidad ng daigdig.
Idiniin niya na ang Tsina, Rusya, at Laos ay bagong-sibol na ekonomiya ng rehiyong Asya-Pasipiko at konstruktibong puwersa sa pagpapasulong ng panrehiyong kapayapaan at kaunlaran.
Saad pa ni Wang na mataas na tinasahan ng panig Tsino ang gawain ng Laos bilang tagapangulong bansa ng ASEAN at kasama ng Rusya, nakahanda ang panig Tsino na katigan ang estruktura ng kooperasyong panrehiyon na ang nukleo ay ASEAN.
Ipinahayag naman nina Lavrov at Saleumxay na nakahanda silang pahigpitin, kasama ng Tsina, ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan para pangalagaan ang komong kapakanan ng tatlong bansa at rehiyong ito.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil