Pondo, inilaan ng Tsina para suportahan ang agrikultura sa mga rehiyong binaha

2024-07-31 16:17:32  CMG
Share with:

Inilahad, Hulyo 30, 2024 ng Ministri ng Pinansya ng Tsina, na 238 milyong yuan (mga 33.35 milyong USD) ang inilaan ng bansa bilang tulong sa pagpapanumbalik ng produksyon ng agrikultura sa limang rehiyong apektado ng baha.

 


Ang naturang pera anito ay gagamitin para sa mga nasirang pananim, pagpapanumbalik ng mga nasirang pasilidad ng agrikultura, tulong sa pagkontrol sa baha, at pagpapahupa ng tubig sa mga bukid, sa mga probinsyang gaya ng Henan, Hunan, Chongqing, Sichuan, at Shaanxi.