CPC, pinag-aralan at idineploy ang mga gawain sa pagkontrol sa baha at panaklolo

2024-07-26 15:13:46  CMG
Share with:

Idinaos Hulyo 25, 2024 ang pulong ng standing committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) para pag-aralan at ideploy ang mga gawain sa pagkontrol sa baha at panaklolo.


Pinanguluhan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulong Tsino, ang pulong na ito.


Tinukoy sa pulong na malubha at masalimuot ang kalagayan ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol ng baha sa taong ito, at dapat palagiang ilagay sa unang puwesto ang paggarantiya ng kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan.


Hiniling din ng pulong sa mga departamento ng pamahalaan sa iba’t ibang antas na buong sikap na isagawa ang mga gawaing pagligtas at panaklolo, palakasin ang kakayahan sa pagharap sa mga biglaang pangyayari at igarantiya ang kaligtasan ng ari-arian at buhay ng mga mamamayan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil