Sa kanyang mensahe, Hulyo 30, 2024 kay Pangulong Nicolas Maduro ng Venezuela kaugnay ng kanyang muling pagkahalal bilang presidente ng bansa, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na mula nang maupo sa puwesto si Maduro, itinaguyod niya ang gobyerno at mga mamamayan ng Venezuela sa landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kondisyon.
Gumawa rin aniya siya ng mga kahanga-hangang tagumpay tungo sa konstruksyon ng bansa.
Dagdag ni Xi, mahalaga para sa Tsina ang relasyon sa Venezuela, at handa siyang makipagtulungan kay Pangulong Maduro upang patuloy na gabayan at itaas ang panlahatang-panahon na estratehikong sosyohan ng dalawang bansa sa bagong antas.
Ito aniya ay upang makinabang ang mga Tsino at Venezuelano.