Nagpalitan ngayong araw, Hunyo 28, 2024 ng mga mensahe sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Nicolas Maduro ng Venezuela, bilang pagbati sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Venezuela ay mapagtitiwalaang magkatuwang na may komong pag-unlad.
Kasama ng panig Venezuelan, nakahanda aniya ang Tsina na igiit ang orihinal na aspirasyon ng pagkakatatag ng ugnayang diplomatiko ng dalawang bansa, ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan, at gawing bagong simula ang ika-50 anibersaryo ng ugnayan, upang walang patid na pasaganain ang nilalaman ng all-weather strategic partnership ng Tsina at Venezuela, gawin ang mas malaking ambag sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig, at kapit-bisig na pasulungin ang pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Saad naman ni Maduro, buong tatag na sinusuportahan ng Venezuela ang pagtatanggol ng Tsina ng soberanya ng bansa, at tinututulan ang anumang tangka sa paninikil sa Tsina.
Nakahanda aniya ang bansa na aktibong sumali sa kooperasyon ng Belt and Road at tatlong global initiative na iniharap ni Pangulong Xi, patuloy na pasulungin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, at palalimin ang bilateral na kooperasyon at multilateral na koordinasyon.
Salin: Vera
Pulido: Ramil
Kooperasyon tungo sa mabuting kinabukasan, palalakasin ng Tsina’t Venezuela
Relasyon ng Tsina at Venezuela, itinaas sa antas ng “all-weather strategic partnership”
Tsina sa Amerika: itigil ang unilateral na mapilit na hakbangin laban sa Venezuela
Sangsyon ng Amerika at mga bansang kanluranin sa Venezuela, kinondena