Inihayag, Hulyo 30, 2024 sa sesyon ng pag-aaral ng Pulitiburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ni Pangulong Xi Jinping ang panawagan para sa modernisasyon ng depensang pang-hanggahan, baybayin, at panghimpapawid ng bansa para gawin itong malakas at matibay.
Sa ngalan ng Komite Sentral ng CPC at Sentral na Komisyong Militar (CMC), inihayag ni Xi ang pangungumusta sa lahat ng tropa kaugnay ng pagdiriwang Agosto 1, 2024 ng Army Day.
Kailangan ang pagsisikap para pasulungin ang konektibidad ng imprastruktura at magkasamang pag-unlad tungo sa matatag na pagtatanggol ng hanggahan, baybayin at himpapawid ng bansa para gawing itong konduktibo sa kapuwa pambansang seguridad at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, saad niya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio