Nanawagan Agosto 5, 2024, ang isang sugo ng Tsina sa International Criminal Court (ICC) na lubos na igalang ang hudisyal na soberanya at lehitimong pagkabahala ng Sudan habang pinoproseso ang kaso ng Darfur.
Sa mga pahayag sa briefing ng United Nations Security Council hinggil sa ICC Sudan, sinabi ni Dai Bing, Pangalawang Permanenteng Kinatawang Tsino sa UN, na sinusubaybayan ng Tsina ang imbestigasyon ng ICC sa situwasyon ng Darfur.
Hinimok niya ang ICC na lubos na isaalang-alang kapag nakikitungo sa isyu ng Dafur, ang pagiging kumplikado at sensitibo ng realidad sa Sudan at ang rehiyon sa kabuuan, itakda ang mga pananaw nito sa pangkalahatang layunin ng paglutas ng alitan sa Sudan sa pulitikal na paraan, at pigilan ang “hindi nararapat na interbensyon.”
Salin:Sarah
Pulido:Ramil