Sa pagsusuri ng United Nations Security Council (UNSC) sa gawain ng International Criminal Court (ICC) sa Libya, ipinahayag, Mayo 14, 2024, ni Dai Bing, Pirmihang Pangalawang Kinatawan ng Tsina sa UN, na suportado ng kanyang bansa ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng daigdig sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga pinakagrabeng internasyonal na krimen.
Sinabi ni Dai na hindi nagbabago ang paninindigan ng Tsina hinggil sa gawain ng ICC sa Libya.
Binigyang-diin niyang, umaasa ang Tsina na pananatilihin ng ICC ang independiyente, obdyektibo at makatuwirang paninindigan; lubos na igagalang ang hudisyal na soberanya at lehitimong pananaw ng mga kinauukulang bansa; at pananatilihin ang mahigpit na pakikipagkoordinasyon sa awtoridad ng Libya.
Napakahalaga ng pagsasakatuparan ng kapayapaan at katatagan ng Libya, at ito ang paunang kondisyon sa paggarantiya ng hudisyal na hustisya sa bansa, saad ni Dai.
Aniya, ang gawain ng ICC ay dapat makatulong sa pagkakaisa ng iba’t-ibang panig at hindi dapat magdulot ng pagkakawatak.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio