State of emergency, idineklara sa rehiyong Kursk ng Russia

2024-08-09 16:06:52  CMG
Share with:

 

Idineklara ang state of emergency sa rehiyong Kursk ng Russia, na nasa hangganan ng Ukraine, kasunod ng isa sa pinakamalaking pag-atake ng Ukraine sa Russia sa loob ng dalawang taong labanan.

 

Kaugnay nito, ayon sa mga opisyal ng Russia, Agosto 6, 2024, humigit-kumulang 1,000 tropang Ukrainian ang sumalakay sa hangganan ng Russia, gamit ang mga tangke at armored vehicle, na suportado ng mga kuyog ng mga drone at mabibigat na artilerya. Kinagabihan ng Agosto 7, malalimang nakapasok na ang mga tropang Ukrainian sa mga depensa ng Russia.

 

Noong Huwebes, iniulat ng Ministri ng Depensa ng Russia na ang hukbo ng Russia, kasama ng Federal Security Service (FSB), ay napahinto nila ang pagsulong ng tropang Ukrainian at nakipaglaban sila sa mga yunit ng Ukrainian sa rehiyong Kursk.

 

Inilarawan ni Pangulong Vladimir Putin ng Russia na ang pag-atake ng Ukraine ay isang "malaking probokasyon."

 

Habang ang militar ng Ukrainian ay hindi nagkomento sa opensiba, pinuri naman ni Pangulong Volodymyr Zelensky ang hukbo ng Ukrainian noong Huwebes para sa kakayahang "magsorpresa" at makamit ang mga resulta, kahit na hindi niya partikular na binanggit ang Kursk.


Editor: Yan Jiayue (Interna)
Pulido: Ramil Santos