Tsina at Indonesia, nangakong magsisikap upang isulong ang pagresolba ng krisis sa Ukraine

2024-08-07 16:28:54  CMG
Share with:

 

Sa kanyang pagbisita sa Indonesia Agosto 6, 2024, nakipagpalitan ng mga pananaw si Li Hui, espesyal na kinatawan ng pamahalaang Tsino sa mga suliraning Eurasia, kay Umar Hadi, Direktor-heneral sa mga suliraning Amerikano at Europeo sa Ministri ng Ugnayang Panlabas ng Indonesia, tungkol sa krisis ng Ukraine.

 

Ipinahayag ni Li na ang priyoridad sa ngayon ay dapat magtulungan ang iba’t-ibang panig upang palamigin ang sitwasyon.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na makipagtulungan sa Indonesia upang isulong ang Limang Prinsipyo ng Mapayapang Pakikipamuhayan at ang Bandung Spirit at makalikha ng mga kondisyon para sa agarang pagpapanumbalik ng direktang pag-uusap at negosasyon sa pagitan ng mga kaukulang panig.

 

Sinabi naman ni Hadi na mataas na pinapurihan ng Indonesia ang nangungunang papel ng Tsina sa pagtataguyod ng kalutasang pulitikal sa krisis at pinahahalagahan ang positibong papel ng anim na karaniwang pagkakaunawaan.

 

Nakahanda aniya ang Indonesia na makipagtulungan sa Tsina at mga kaugnay na partido upang makahanap ng solusyon sa krisis.


Salin: Zheng Zihang

Pulido: Ramil