Tuwing sasapit ang ikapitong araw ng ikapitong buwan ng Nong Li o Tradisyunal na Kalendaryong Tsino, ipinagdiriwang ng mga Tsino ang Qixi o Araw ng mga Puso ng Tsina at ngayong taon, natatapat ito sa Agosto 10.
Sa mga merkado ng bulaklak sa iba’t ibang lugar ng Tsina, mabentang mabenta kamakailan ang mga bulaklak na gaya ng rosas at lily.
Abalang-abalang inihahanda ng mga mangangalakal ang sapat na suplay ng mga bulaklak, para matugunan ang pangangailangan ng mga mamimili ng mga bulaklak sa panahon ng Qixi.
Salin: Kulas
Pulido: Ramil