Tuwing sasapit ang ikapitong araw ng ikapitong buwan ng Nong Li o Tradisyunal na Kalendaryong Tsino, ipinagdiriwang ng mga Tsino ang Pestibal ng Qixi o Araw ng mga Puso ng Tsina at ngayong taon, natatapat ito sa Agosto 10.
Sa pestibal na ito, nakaugalian ng mga Tsino na maghanda at kumain ng qiao guo, isang tradisyunal na panghimagas, at nakagawian din ang pagpapalutang ng karayom sa ibabaw ng tubig sa loob ng isang mangkok, bilang pagpapahayag ng hangarin na magkaroon ng katalinuhan at kahusayan.
Bagama’t unti-unting nabigyan ito ng bagong kahulugan na Araw ng mga Puso ng Tsina, ang paghahangad sa karunungan, kahusayan, at dalisay na puso ay nararapat pa ring ipamana.
Salin: Kulas
Pulido: Ramil