Sa isang news briefing Agosto 9, 2024, nilagom ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), ang tagumpay ng Paris Olympic Games.
Bilang tugon sa mga Olimpiyadang idaraos sa Amerika sa hinaharap, binigyang-diin ni Bach ang kahalagahan ng pangangalaga sa karapatan, kapakanan at malinis na manlalaro.
Ipinahayag niya na lubos ang kompiyansa ng IOC sa mga gawain ng World Anti-Doping Agency (WADA), at inaasahan niya ang pagkakasundo-sundo ng lahat ng kaukulang panig sa pamamagitan ng diyalogo upang maigarantiya ang pagkakaroon ng pantay na kompetisyon ng mga manlalaro ng buong mundo.
Salin: Lito
Pulido: Ramil