Ayon sa datos na isinapubliko Agosto 9, 2024 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang hati ng kasalukuyang taon, umabot sa mahigit 3.59 trilyong yuan Renminbi ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng serbisyo ng bansa. Ito ay mas malaki ng 14% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Kabilang dito, mahigit 1.46 trilyong yuan Renminbi ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng serbisyo na lumaki ng 10.7%; mahigit 2.1 trilyong yuan Renminbi naman ang kabuuang halaga ng pag-aangkat ng serbisyo na mas malaki ng 16.4%.
Bukod pa riyan, nananatiling napakabilis ang paglaki ng serbisyong panturista. Noong unang hati ng 2024, umabot sa mahigit 961.7 bilyong yuan Renminbi ang kalakalang pangserbisyo ng Tsina. Ito ay mas malaki ng 47.7% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Salin: Lito
Pulido: Ramil