Ginanap, Agosot 11, 2024 (lokal na oras) ang seremonya ng pagpipinid ng Ika-33 Olimpiyada sa Tag-init, sa Stade de France, lunsod Paris, Pransya.
Dumalo rito ang mga atletang Tsino sa pamumuno ng dalawang opisyal na tagapagdala ng pambansang watawat na sina Li Fabin, kampeon sa weightlifting at Ou Zixia, Kapitana ng Women's Hockey Team.
Sa kasalukuyang Olimpiyada, pumasok ang Tsina sa ikalawang puwesto sa talaan ng medalya, na may 40 ginto, 27 pilak, at 24 na tanso.
Ito ay pinakamagandang resultang natamo ng Tsina sa isang Olimpiyada sa labas ng bansa.